Tuesday, May 24, 2011

Manoling is the reason why PCSO is in debt. PCSO, Bangkarote na nga ba?

Margie Juico is the new Chairman of the Philippines Charity Sweepstakes Office. With the controversy and allegations from the previous chairman "Manay" (Manoling Morato) about the transfer of the main office from the Quezon Institute to PICC with a hardcopy statements and questions to the new chair, Margie Juico breaks her silence.

Juico explained everything and answered all the questions that "Kaibigan" Boy Abunda asked her during the interview of the late talk show of Kapamilya Network, "The Bottomline". It was intense. Because some of the questions that was asked to Juico came from the "Attention seeker" Manoling Morato. I am not fan of Margie Juico, but I strongly agree to her that the PCSO bankruptcy is in inherited by the previous PCSO Chairman, Manoling Morato. Allegedly, the debt estimated close to 1 Billion Pesos when she took over PCSO.

Manoling, don’t be envious just because you were kicked off the position. Wag ka nang pumatol sa Babae, NAPAGHAHALATAAN ka.

Thursday, May 19, 2011

MANOLING-Itigil mo na!


Continuation…

So, going back to Manoling and Margie Juico Issue…


Siguro naman, after posting the “Manoling Morato- Malinis ka nga ba para Batikusin ang Iba?” Issue, ay nabalitaan nyo na ang mga balitang pinakakawalan ni “Manay Manoling” for our  Current Chairwoman, Margie Juico?

Binabakbakan ng mga kritiko at mga tuta ni ni Manoling ang mga batang may Cancer, para hadlangan ang paglipat nila ng Office. (Wag naman po sana nating IDAMAY nag mga musmos at walang malay na mga Bata!)

Kung iintindihin mo, parang walang PUSO at di makatao ang hakbang na ginawa ni Margie Juico diba?

Pero, totoo nga ba ang kwento? At sadyang alam ba ni Manoling ang storya sa likod ng Hakbang na ginawa ni Margie Juico?

Mr. Morato, wag mo nating Bigyang kulay ang paglipat ng Office or Agency from Quezon Institute compound to Philippine International Convention Center (PICC) complex sa Pasay city.

Sadyang nakakalito diba?

Ang kwento kasi, ang banggaan Morato at Juico ay dahil sa kagustuhan ng marami ng ipaliwanag ni Morato kung saan napunta, o may kinahinatnan ba ang Million of Pesos worth of Donation that was given to Philippine Tuberculosis Society Inc., and the other anomalies na kinasangkutan ni Manoling while he was sting the Chairman of PCSO.

Malamang, gusto bumawi ni Morato! Pinatulan rin kasi ng mga madla, ang mga issue na nilabas nya, lalu na sa Center for Life Improvement and Health Development (C.H.I.L.D)  House Project na mas kialal na CHILD.

Mga kababayan, ang Child House po ay pansamantalanag tuluyan ng mga batang may sakit na Cancer, at iba pang malubhang sakit o karamdaman sa QI Compound that PCSO supports.



Nasabi na rin ni Juico na hindi naman nila napabayaan o PINABABAYAAN ang mga batang may Cancer o ang Child House, at patuloy pa rin ang tulong na ibinibigay nila kahit na lumipat sila ng Opsina, kahit hingid sa ating kaalaman na ito ay project ng beauty stylist, Ricky Reyes.






Pero sino nga ba talaga si Manoling? Ano at meron nga ba siyang  karapatan manumbat?
Malinis nga ba sya para palabasin niya na mabuting tao sya, at tumutulong sya sa mga taong kapos palad?


Wednesday, May 18, 2011

Manny Pacquiao Againts RH Bill. Marami ka kasing Money, Manny...


RH Bill. The first time I heard it, I asked myself, “what is RH Bill?” Anung Issue nila dito, at bakit ganun nalang ang oras na ginugugol nila para pag usapan ito?

Then I told myself…“Oh, Reproductive Health pala!”  
That means, may mangilan ngilan sa Gobyerno ang gusto itong ipatupad, para mapigilan ang pag usbong ng Population natin. Aminin naman na kasi natin… Sangkatutak ang mga taong walang trabaho, nakatira sa Estero o sa ilalim ng tulay, pero wag ka! Sangkatutak din ang mga Supling.

Akalain mo, sa hirap ng buhay ngayon, marami sa atin ang hindi magkanda ugaga sa pagtatrabaho kung paano at kung saan makakakuha ng pampa aral ng mga anak natin.
Nakapagtataka lang, kung sino pa yung mas nakaka afford, mangilan ngilan lang ang anak, at silang walang mapakain, Sangkaterba ang anak.

So, Katulad nalang ni Congressman Manny Pacquiao ;
“We all have different opinions and beliefs. I believe nowhere in the Bible does it say that we should limit the number of our kids. Unang-una, sabi ng Panginoon – go to the world and multiply. Hindi niya sinabi “go to the world and multiply and just have 2 or 3 kids”. Magpakarami kayo,” he said.

“Bakit hindi na lang natin turuan? Kung ayaw talaga ng bawat pamilya na maraming anak pero di maiwasan, dapat ganun ang gagawin nila. Makasalanan kasi yung gagamit ka ng condom. (Kasalanan kasi) magpalalglag ka dahil hindi pwede isilang ang anak na ito. Magsakripisyo naman kayong mga lalaki. Tiisin niyo. Ay mga babae din pala. Minsan yung mga babae pa ang nangangalabit,” he said, drawing laughter from those at the press conference.

He cited the RH bill limits family size but the senator is not aware that the ideal family size in RH Bill 4244 has been amended and scrapped totally.

Eto ang akin;

“…Manny, mayaman ka. Hindi lahat kaya buhayin ang anak. Ikaw, magkamali ka man na dagdagan ulit ang 4 mong anak, ok lang eh! Hindi kabawasan sa’yo yun. MAYAMAN KA KASI.”

“E paano kaming sapat lang ang kinikita. Sapat lang bumuhay ng 1 o 2 anak? Hindi ba’t pag co-control din ang sagot? Condom din ang sagot? Try natin mag ISIP Manny.

Ombudsman Mercedita Gutierrez Resignation. -Napilitan nga lang ba bumaba sa pwesto?



Ilang linggo rin napag usapan sa Pahayagan ang controversial na pagbibitiw sa pwesto ni Ombudsman Mercedita Gutierrez. Iba’t ibang parating ang di umano’y Ibinato sa kanya ng Gobyerno. Maraming mamayanan natin ang nag Rally at Hinumok ang gobyernong tanggalin sa pwesto si Gutierrez.

She was like the talk of the town and Gutierrez has been impeached by the House of Representatives through an overwhelming 212-46 vote. Kitang kita at halata naman ang Difference ng Boto diba? Gutierrez’s Resignation is the Answer!

Nagmatigas at minsan nya na ring tinawanan ang lahat ng akusasyon sa kanya ng mga tao. Sinabi nya na rin, walang Basehan at walang katotohanan ang mga paratang na iyon.
Imagine, 40 years in government service, 40 years! It is not a joke to work with the Government for such a long time. Kung ako tatanungin, PAGPAPAKA BAYANI yun, at malamang hindi ako tatagal ng ganun katagal.

Sa bagay, sa hitsura pa lamang ni Gutierrez, bakas at kitang kita naman ang  katapangan ng Determinasyon na ipinakita nya sa kanya trabaho. Wala naman malinis sa Politika, aminin na natin. Pero, do you think naging  perfect nga ba  ang pagtatrabaho sa posisyong kanyang iniwan?

“It’s saddening…I’ve been working so hard and then there are these baseless allegations. Maybe it could have been better if I did not work in government,” Yan ang mga nasabi nya sa isang Interview sa Office nya sa Quezon City.

Ang amin lang po, bakit ganon na lamang ang pag pupursige ng Government at taong Bayan na mapatalsik ka inyong pwesto, kung sadyang naging tapat ang malinis ang inyong pagtatrabaho sa Gobyerno?

Malinis at Tapat na sagot po ang tanging hiling namin.
Salamat!

Manoling Morato. Malinis ka nga ba, para batikusin ang IBA?

Sa mga nangyayari sa Pilipinas, marahil isa ka na rin sa mga Bwiset na bwiset, at tinanong mo na rin siguro ang sarili mo kung ano ang nakukuha nila sa mga Samo't sari nilang Pambabatikos at Paninira sa kapwa politiko nila.

Ang daming sinbi ni Mr. Morato kay Chairwoman  Juico na samu't saring paratang. It's all over the news!
Hindi naman siguro gagawa ng ikasisira ng pangalan nya ang Chairwoman. At ang tanong, perosnalan nga ba ang laban dito, may pinaghuhugutan, o sadyang naiinggit na si Mr. Morato sa natatamasa ni Chairwoman Juico.

To be continued...