RH Bill. The first time I heard it, I asked myself, “what is RH Bill?” Anung Issue nila dito, at bakit ganun nalang ang oras na ginugugol nila para pag usapan ito?
Then I told myself…“Oh, Reproductive Health pala!”
That means, may mangilan ngilan sa Gobyerno ang gusto itong ipatupad, para mapigilan ang pag usbong ng Population natin. Aminin naman na kasi natin… Sangkatutak ang mga taong walang trabaho, nakatira sa Estero o sa ilalim ng tulay, pero wag ka! Sangkatutak din ang mga Supling.
Akalain mo, sa hirap ng buhay ngayon, marami sa atin ang hindi magkanda ugaga sa pagtatrabaho kung paano at kung saan makakakuha ng pampa aral ng mga anak natin.
Nakapagtataka lang, kung sino pa yung mas nakaka afford, mangilan ngilan lang ang anak, at silang walang mapakain, Sangkaterba ang anak.
So, Katulad nalang ni Congressman Manny Pacquiao ;
“We all have different opinions and beliefs. I believe nowhere in the Bible does it say that we should limit the number of our kids. Unang-una, sabi ng Panginoon – go to the world and multiply. Hindi niya sinabi “go to the world and multiply and just have 2 or 3 kids”. Magpakarami kayo,” he said.
“Bakit hindi na lang natin turuan? Kung ayaw talaga ng bawat pamilya na maraming anak pero di maiwasan, dapat ganun ang gagawin nila. Makasalanan kasi yung gagamit ka ng condom. (Kasalanan kasi) magpalalglag ka dahil hindi pwede isilang ang anak na ito. Magsakripisyo naman kayong mga lalaki. Tiisin niyo. Ay mga babae din pala. Minsan yung mga babae pa ang nangangalabit,” he said, drawing laughter from those at the press conference.
He cited the RH bill limits family size but the senator is not aware that the ideal family size in RH Bill 4244 has been amended and scrapped totally.
Eto ang akin;
“…Manny, mayaman ka. Hindi lahat kaya buhayin ang anak. Ikaw, magkamali ka man na dagdagan ulit ang 4 mong anak, ok lang eh! Hindi kabawasan sa’yo yun. MAYAMAN KA KASI.”
“E paano kaming sapat lang ang kinikita. Sapat lang bumuhay ng 1 o 2 anak? Hindi ba’t pag co-control din ang sagot? Condom din ang sagot? Try natin mag ISIP Manny.